27 November 2012
Warning: Bridezilla on the loose!
Omg! Omg! Omg! It's only 15 days to go before the Big day. Ow-em-gee! Do i sound like panicking? I still can't believe that our most anticipated event will soon eventuate. 0_0 Where have all the days gone by?
A lot of of things had happened. I had encountered big trials, disappointments, fury, extremely stressful days. An extremely curse-able-experience which i thought only happens in movies. Every bride's greatest nightmare. Nakakapanginig ng laman pag naaalala ko! Nanginginig ako sa galit!
Alam mo yung ang tagal tagal mong hinintay, pinangarap at pinaghandaan? Tapos sa isang iglap bigla na lang maglalaho? Kung kelan malapit na, saka pa nangyari. Why????
Maniwala ka man o hindi, pero isa ang "wedding gown" sa unang inaanticipate ng mga babae kapag narinig nila ang salitang kasal lalo na kung ito ay gaganapin sa simbahan, beach o garden. Isa ito sa mga dahilan kung bakit naeenjoy namin ang wedding preps sa pamamagitan ng pagresearch kung ano bang design ang maganda at kung sinong designer ang iha-hire. Nakakaoverwhelm sa daming pagpipilian. Nakakalito. Mas lalong nakakaexcite.
Minsan ka lang ikasal so make it worth reminiscing. Ang paglalakad papunta sa altar suot ang wedding gown ang isa sa pinapangarap ng lahat ng kababaihan. To feel like a queen even for a day.
Pero pano kung isang araw bigla na lamang gumuho ang iyong pangarap na maisuot ang iyong pinakaaasam-asam na wedding gown? Kung kelan malapit na ang iyong nakatakdang kasal? Ano ang gagawin mo?
Well, this is what happened to me. I hired this "fashion designer" (kuno or so he claimed) to make my dream wedding gown, a few months before my wedding day. Di ko na babanggitin ang name nya kasi baka masuka lang kayo. Isa syang baklang salot sa lipunan. Walang puso, walang balun-balunan, walang konsensya. Ang totoo? Di po sya tao. Isa syang animal!
Di ko sya kilala personally. Pero dahil may mga kabatch ako na soon-to-be bride na sa kanya nagpagawa at nakita ko naman na maganda rin ang mga gawa nya at mura ang kanyang package, kaya naisipan kong sa kanya na rin magpagawa. Dahil sa totoo lang, ayoko din naman mag-splurge sa gown dahil naniniwala ako na wala sa presyo yan, nasa nagdadala... chos! May mga nabihisan na rin naman siya na sikat ngayong artista at magaling syang designer kung tutuusin. So alam mo yun, maayos naman talaga sya gumawa... dati!
Dati yun! Dahil isang malaking pagkakamali ang nagtiwala ako sa kanya! Nagsisisi ako na sa kanya ko ipinagkatiwala ang gown ko. At pinagsisisihan ko na halos full na ang bayad ko kahit isang beses pa lang ako nakapag fitting. Na wala namang nangyari dahil para lang akong mannequin sa bilihan ng tela na binalutan lang ng plain fabric, tinusukan ng karayom para magkaron ng form. I totally get it, first fitting pa lang naman so i shouldn't expect anything yet.
Then 2nd fitting day came, i rushed to his shop/ house/apartment to see if there'll be some changes made. At least any form man lang para masabing may ginawa sya sa gown. But to my dismay, he's not even there! I waited for several hours outside his door while bombarding him with phone calls and text messages. I was trembling, furious that i trusted him. I got heart palpitations.
Ang dami kong tanong, nasaan sya? Bakit ayaw nyang sagutin ang mga tawag at messages ko? Alam nya namang schedule ko ng fitting ngayon!
Ganun ganun na lang at nawala siya na parang bula! Several days prior to my fitting, tinext ko sya asking for an update sa gown ko since malapit na ang aking "big day". Wala syang sagot. Ni hindi nya sinasagot mga tawag ko. So i got worried. Pero hindi ko pa rin tinigilan, i kept sending him messages and made phone calls. Then eto na, isang araw biglang sumagot sa messages ko. Ang sabi ng loko, naaksidente daw sya kaya hindi nakakasagot sa mga tawag at messages ko. So out of concern, ang dami ko lalong tanong. Anong nangyari? Saan nangyari? Pano nangyari?
Hanggang sa napansin ko, ang gulo gulo ng sagot nya. Paikot ikot pero lumalabas na hindi totoong naaksidente sya. Na nagsisinungaling lang sya. Na gumagawa lang sya ng alibi.
Nagsimula akong kulitin sya about sa progress ng gown ko simula nang malaman ko na hindi nya sinipot ang ibang bride-to-be at ang mas malupit, walang gown na nagawa kaya napilitan silang magrent at yung iba ay bumili ng RTW na gown sa mismong araw ng kasal nila dahil bigla na lang daw hindi nagpakita si RR. Magaling, magaling, magaling!!!
Sa pag-aalala ko na mangyari din sa akin ang bangungot na iyon, nagmessage ako kay RR at nagrequest ako ng fitting dahil ilang linggo na lang ay kasal ko na. Nagreply naman sya sa akin at ang sabi'y di daw sya pwede dahil nag out-of-town siya. Pero kinulit ko pa rin sya nang kinulit. At biglang sinabi nya na naaksidente nga daw sya. So nagpasya akong sadyain sya sa kanyang shop para alamin kung totoo dahil duda na rin ako at nagtatago na si bakla!
Ilang beses akong nagpabalik-balik sa bahay nya, nagbabaka-sakali na maabutan ko sya. Ipinablotter ko na rin sya sa barangay dahil sa pagtangay ng perang ibinayad ko. Hindi namin pinulot lang ang perang ipinambayad sa kanya. Pinaghirapan ng asawa ko yun. Nag-usap usap na rin kami ng iba nya pang nabiktima, pagbabayarin namin siya sa ginawa nyang panloloko sa amin.
Ang sakit sa puso! Ilang buwan mong hinintay na magawa at matapos. Yung sobrang excited ka sa magiging outcome ng gown na gusto mo. Na sobrang nagtiwala ka sa isang tao. Pero niloko ka lang at pinaasa. Nawala na lang syang bigla at nagtago. Isang napakasakit na bangungot. Ang saklap!
So pano na ngayon? Anong isusuot ko? Ilang araw na lang ay ikakasal na ko sa simbahan. Pano na ang dream wedding gown ko?
May ipinakita sa akin na rtw gown ang mananahi ng damit ng aking mga bridesmaid. Konting remedyo lang daw ay maganda na. Sa totoo lang hindi ko talaga gusto. But I have NO choice! Hindi na ko pede magpatahi ng panibago dahil gahol na sa oras. Hindi na kakayanin.
So sinukat ko yung gown para ayusin dahil malaki ito sa akin. Hindi ito fit sa katawan kong napakaliit (halos buto't balat na lang ako sa sobrang stress) Pero panibagong sama ng loob, nang ibalik sa akin ang gown (matapos remedyohan) na walang pinagbago. Malaki pa rin ito at halatang halata ang di magandang hubog ng damit.
Ang nakakaiyak pa dito, siningil pa ako ng triple sa dapat ay presyo lang nito. Hindi na nga maganda ang fit sakin ng gown, naloko pa ako sa presyo. Sobrang nakakaiyak!!!!!
Sobra sobrang bangungot na! Hindi ka lang isang beses pinatay, dalawang beses pa. Anak ng botcha naman o!
Bakit ba may mga taong nagagawang manloko ng iba? Bakit may mga taong walang konsensiya? Bakit may mga tao na dahil sa pera ay nakakagawa ng masama? Walang puso!
Isa syang salot! Dadating din ang bad karma nya!
Walang maidudulot ang galit ko kaya pinapatawad ko na sya. Wala na rin namang magagawa. The damage has been done ika nga. Ipagpray ko na lang na wala na syang ibang mabiktima. Na balang araw ay pagsisihan nya ang kanyang ginawa. Na balang araw ay marealize nya mas importante ang tiwala kesa sa pera. Si God na ang bahala sa kanya.
Hindi man ako makapaglakad sa simbahan suot ang magandang wedding gown, ang pinakaimportante, meron naman akong pinakamamahal na asawa na naghihintay sa akin sa harap ng Diyos, ng aming mga pamilya at kaibigan. At kami'y mangangakong magmamahalan, magpakailanman <3
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment